Naghilom at nagkaayos na ang mag-inang si KC Concepcion at Sharon Cuneta, masayang pagbabahagi ng anak nitong Martes, Hunyo 21.

Pareho nang nakangiti ang mag-inang sina KC at Shawie sa ibinahaging larawan ng kanilang face time.

“Not only THE… but MY one & only!!! 🥹🌹 I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues, and I feel lonely for them,” pagsulat ni KC sa kaniyang IG post.

“I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other! I love you Mama! There is nothing like having your own mother’s LOVE ✨,” dagdag ng anak.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Excited naman na sinukatan na ni KC si Shawie para sa isang customized na singsing.

Hindi ibinahagi kung kailan nagkaayos ang dalawa ngunit matatandaan noong 2021 nang umugong ang balita tungkol umano sa hindi pagkakaayos ng mag-ina.

Bagaman hindi ito kinumpirma ng dalawang panig ay isang buwelta ni Shawie sa isang netizen noong Oktubre 2021 ang umagaw ng pansin.

Ito’y matapos paratangan ng isang netizen ang ina na mas pinili umano nito si Frankie kumpara kay KC kasunod ng pagbisita ni Shawie panganay na anak nila ni outgoing Sen. Kiko Pangilinan sa New York habang nasa Los Angeles lang noon si KC.

“You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children. Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love. And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sayo,” sagot lang noon ni Mega na naging basehan ng ilan ukol sa namagitang hidwaan ng dalawa.

Ni-repost naman ng ina ang brand new IG post ni KC na may caption na mababasa, "Facetiming with my eldest yesterday - while having “Aurora’s hairstyle” - extensions - attached! Love you, Toot!❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻 ⬅️"

Noong nakaraang kampanya para sa May 9 elections, naging bukas din ang pangangampanya ni KC para sa kaniyang dad at natalong Vice Presidential candidate na si outgoing Se. Kiko Pangilinan.