Binigyang-pugay ng singer na si Jake Zyrus ang kaniyang ama sa paggunita ng Father's Day noong Linggo, Hunyo 19.

Mababasa sa pribadong social media post ni Jake ang mensahe niya para sa amang naging biktima ng karumal-dumal na krimen noong Oktubre 2011 sa San Pedro, Laguna.

“Sana nandito ka. Turuan mo pa ako ng mga bagay-bagay. Patatagin mo pa ako,” umpisa ng mensahe ni Jake para sa kanyang namayapang ama," aniya sa kaniyang Facebook post.

Hiling niya na sana'y patuloy siyang gabayan nito, saan man ito naroroon.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Someday, magkakaroon ako ng sarili kong pamilya at ipaparamdam ko sa kanila yung pagmamahal katulad ng naibigay mo sa amin kahit na maigsing panahon lang."

“Watch over me. Medyo mabigat ang bukas. Pero alam kong nandyan ka lang. Salute!"

"Happy Father’s Day, Dad," pagbati ng singer.

jake zyrus post
Larawan mula sa FB ni Jake Zyrus via PEP

Matatandaang kamakailan lamang ay nanawagan ng tulong at paramdam mula sa kaniya ang kaniyang inang si Raquel Pempengco sa kaniya matapos pumanaw ang kaniyang lola at tiyuhin.