Inabot ng saksak sa tagiliran ang isang lalaki sa Sto. Domingo, Ilocos Sur kamakailan. Ang suspek, sarili nitong misis na nainis nang magpasandok ng kanin ang mister.

Sa ulat ng GMA Regional TV nitong Lunes, nadala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktimang itinago sa pangalang “Luis” matapos magtamo ng sugat sa tagiliran.

Timbog naman ang misis na si “Josie,” ‘di rin niya tunay na pangalan at kasalukuyang nakakulong ngayon sa himpilan ng pulisya sa lugar.

Ayon sa ulat, naghahapunan lang umano ang padre de pamilya sa kanilang bahay nang mauwi sa pagtatalo ang sunod na mga tagpo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang magpasandok ng kanin ang biktima, dito na umano nainis at inundayan ng saksak ng misis ang kaniyang mister.

Depensa pa ng misis sa mga awtoridad, self-defense niya umano ang nagawang pag-atake dahil sa panununtok noon ng asawa, bagay na itinanggi ng mga anak na saksi rin sa insidente.

Dagdag ng pulisya, pabago-bago raw ang detalye ng suspek.

Tinitignan naman ngayon ng mga imbestigador ang umano’y dating karamdaman nito sa pag-iisip batay sa salaysay ng ilang kamag-anak, na maaaring sanhi sa likod ng kaniyang pag-atake sa kaniyang mister.

https://www.youtube.com/watch?time_continue=27&v=LMibR2qHInI&feature=emb_logo