Wala ibang pagpipilian ang Kapuso actress na si Kris Bernal kundi ang ibenta ang dalawang premium tickets na binili para sana sa concert ng Grammy-winning singer-songwriter na si Adele sa United Kingdom.

Ito ang “heartbreaking” news na ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram, Martes.

“You may recall that we were able to score #Adele concert tickets during its preselling last October 2021. We figured that since we had tickets, we might as well spend our honeymoon touring the UK and Europe for a month,” mababasa sa IG post nI Kris.

Kasado na sana ang kanilang flight sa Hunyo 28 para sa una nilang stop ng asawang si Perry Choi sa London para sa concert ni Adele. Sa kasamaang palad, hindi pa umano sila nakakatanggap ng tugon kaugnay ng kanilang visa application sa United Kingdom, bagay na ikinalungkot ng aktres.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“As the flight and concert approach, we have no choice but to sell our #AdeleTickets. 🥺 Heartbreaking as to see Adele perform face to face has always been at the top of my bucket list and a dream of mine.”

Ibinibenta ngayon ni Kris ang dalawang gold circle east tickets para sana sa "Easy On Me Concert ng English singer-songwriter sa Hyde Park, London sa darating na Hulyo 1.

Si Adele ang nasa likod ng mga global hit songs na "Rolling in the Deep," "Hello," "Easy On Me," bukod sa iba pa.