Pinasalamatan ni hunk actor Aljur Abrenica ang pagbati at pag-alala sa kaniya ng estranged wife na si Kylie Padilla sa paggunita sa Araw ng mga Ama noong Linggo, Hunyo 19.

"Belated Happy father's Day, @ajabrenica", caption ni Kylie sa ibinahagi niyang litrato ni Aljur sa kaniyang Instagram stories. Makikita sa litrato na kandong ni Aljur ang mga anak nilang sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Bilang sukli, ibinahagi naman ni Aljur sa kaniyang social media ang pagbati sa kaniya ng dating misis.

"Thank you @kylienicolepadilla" at may emoji pang puso.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Screengrab mula sa IG/Aljur Abrenica

Matatandaang naging maugong na balita ang hiwalayan nilang dalawa subalit hindi naman mapuputol ang kanilang ugnayan bilang co-parents sa mga anak nila.