BURDEOS, Quezon – Patay ang isang retiradong pulis habang pinapatahan ang isang lasing na nanunutok ng baril sa isang babae sa Sitio Angib, Barangay Amot, ng bayang ito, Linggo, Hunyo 19.

Kinilala ni Police Senior Master Sgt. Neil Monteverdi, officer-on-case, ang biktima na si Orlando Bantucan, 66, residente ng Barangay Poblacion.

Arestado sa follow-up police operation ang suspek na si Arcel Azores, 40, trabahador, kapitbahay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-7:30 ng gabi nang gumawa ng kaguluhan sa lugar ang suspek na lasing nang tutokan nito ng baril si Jonamay Vergenisa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang makita ng biktima ang insidente, sinubukan nitong pakalmahin ang suspek ngunit binaril ito ni Azores sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa Rural Health Center dito.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong homicide sa piskalya.