Isa sa mga napag-usapan ni Cristy Fermin at co-hosts na sina Romel Chika at Morly Alinio sa entertainment vlog na "Showbiz Now Na" ay isa sa mga matunog na isyu ng hiwalayan sa showbiz, lalo na sa mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Matatandaang kamakailan lamang ay umamin na ang dalawa sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/16/carla-sumabog-na-binasag-ang-katahimikan-tungkol-sa-isyu-ng-hiwalayan-nila-ni-tom/">https://balita.net.ph/2022/06/16/carla-sumabog-na-binasag-ang-katahimikan-tungkol-sa-isyu-ng-hiwalayan-nila-ni-tom/

Si Tom naman, sinabing inasikaso na nila ang diborsyo ng kanilang kasal sa US, ayon sa pahayag na ibinigay ng kaniyang kampo kay Nelson Canlas, na iniulat naman sa "24 Oras".

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/17/carla-had-given-up-on-our-marriage-tom-rodriguez/">https://balita.net.ph/2022/06/17/carla-had-given-up-on-our-marriage-tom-rodriguez/

Sa Carla raw ang unang nag-file ng annulment para sa kasal nila ni Tom. Aniya pa, may source daw mula sa kapwa showbiz columnist na si Ogie Diaz na isang araw daw ay nagulantang na lang si Tom na nakasilid na ang mga gamit niya sa isang itim na plastic bag at inilabas na raw ito sa bahay nila.

Ang tinawagan daw ni Tom nang mangyari iyon ay si Kapamilya actor Sam Milby.

"Si Sam Milby ang tumulong sa… paghahakot siguro, para siya ay pakalmahin," ayon kay Cristy.

Sam Milby Is Planning To Court Miss Universe 2018 Catriona Gray?
Larawan mula sa FB/Sam Milby

Komento naman ni Morly, parang sukdulan naman daw ang ginawa ni Carla na itapon na lamang ang mga gamit ng mister sa gayong paraan.

Inilarawan ni Cristy ang mga nangyari bilang "mapakla" dahil pitong taon umanong magkarelasyon ang dalawa bago nagpakasal, at tatlong buwan pa lamang nagsasama bilang mag-asawa, ay saka naman sila nagpasyang maghiwalay at wakasan na ang kanilang relasyon.

Sana raw ay tingnan din ni Carla ang kaniyang sarili kung wala rin ba siyang "donasyon" sa naging dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni Tom. Ayon naman kay Romel, sa alinmang relasyon daw na naghihiwalay, may parehong parte ang bawat partido sa anuman ang rason at kinahantungan nito.

"Parehong mayroong kulang, parehong mayroong sobra," dagdag pa ni Cristy.

Naaawa raw si Cristy para kay Tom lalo't may chika ring nakikiusap ito sa mga kaibigan na bigyan daw siya ng raket o gig.

Nabanggit din ni Cristy na kahit noong mag-jowa pa lamang umano sina Tom at Carla, pinakiusapan umano nang paulit-ulit ng aktres na huwag nitong gagayahin ang ginawa ng kaniyang amang si PJ Abellana na nagkaroon ng ibang pamilya.

Marahil umano ay nakaapekto ito sa kung paano nagpasya si Carla patungkol sa kinaharap na problema nilang mag-asawa.

&t=19s