Pinuna ni showbiz columnist Ogie Diaz ang pag-arte ni Kapamilya actor Ronnie Alonte nang mapanood niya ang isa sa mga episode ng teleserye nila ni Loisa Andalio na "Love in 40 Days."

Ayon kay Ogie, parang nasa workshop stage pa raw si Ronnie dahil hindi raw niya maramdaman ang sinseridad at emosyon sa mga binibitiwan nitong linya, lalo na kapag tinitigan ang mga mata nito.

"Sa TFC ko pa napanood ang “Love In 40 Days.” Eksena nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa restaurant. Nag-eemote sila pareho tungkol ata sa respective daddy nila," ani Ogie sa kaniyang Facebook post nitong Hunyo 16.

"2015 pa nag-start sa kaniyang acting career si Ronnie, pero mga ilang taon pa kaya ang kailangan para ma-master niya ang simpleng akting?"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Hinahanap ko yung sincerity ng character sa mga mata, hindi ko naramdaman. At halatang kabisado lang ang mga linya. Walang puso ang bitaw. Parang nasa acting workshop stage pa rin siya."

Hangad niya na sana raw ay dumaan pa siya sa bonggang-bonggang workshop sa Star Magic.

"Sana, i-workshop pa siya nang bongga ng Star Magic. Biniyayaan ka na ng magandang mukha, paglaanan din sana ng panahon ang pag-arte."

"Yung ibang artista nga na di biniyayaan ng ganiyang mukha, gumuguwapo sa paningin ng audience dahil napakahusay umarte, eh."

"Hindi naman habambuhay, pa-cute lang tayo nang pa-cute. Masarap din naman yung pinupuri ka hindi lang sa kaguwapuhan kundi sa husay din sa pag-arte."

"Bata pa naman si Ronnie. Kaya pa niyang ayusin at husayan," ani Ogie.

Wala namang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ronnie o maging ang Star Magic tungkol dito.