Bahagi na rin ng Careless Music Manila ang stars na sina Liza Soberano at Yassi Pressman, pagbabahagi ng independent record label ni James Reid.

Sa mga serye ng Facebook posts, Lunes, ibinahagi ng Careless ang mga larawan ng contract signing nina Liza at Yassi kasama ang chairman na si James at ang Chief-Executive-Officer na si Jeffrey Oh.

Yassi Pressman (Gitna) kasama ang Chairman ng Careles Music na si James Reid (kaliwa) at CEO ng record label na si Jeffrey Oh (kanan)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sasabak na rin ba sa music scene ang aktres na si Liza?

Ito ang tanong ng maraming fans at netizens habang excited naman ang ang tagasuporta ni Yassi sa mga magiging proyekto nito bilang dati nang recording artist.

Noong Mayo, nauna nang ibinulgar ng dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz na kumalas na ang aktres sa kaniyang puder at si James na nga ang may hawak sa karera nito.

Looking forward naman ang fans para sa posibleng collaboration ni Liza at Nadine na una nang original artist ng nasabing record label.