Hindi raw sinasadyang madulas at maibuking ni Bacoor City Representative Lani Mercado habang naka-Facebook Live, ang tungkol sa sikretong pakikipagrelasyon ni Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Pareho kasing dumalo ang dalawa sa inagurasyon ni Vice President Sara Duterte sa Davao City nitong Linggo, Hunyo 19.

Ang Facebook Live ay isinagawa naman ng mister ni Lani na si Senador Bong Revilla. Makikitang matapos mag-shakehands ay biniro ni Lani si Sandro, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

"Hello, Sandro. Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor. Nakuwento ni Bryan sa akin," ani Cong. Lani na ang tinutukoy na "Bryan" ay si Bryan Revilla, panganay nila ni Sen. Bong.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Yes po" ang tugon naman dito ni Sandro. Ngunit pahabol niya kay Lani, "But atin-atin lang 'yan, ha?"

Tugon naman ni Lani, "Yes, Sir."

Sa Instagram post naman ng showbiz columnist na si Manay Lolit Solis, tinukoy niya na ang jowa ni Sandro Marcos ay ang "starlet" na si Alexa Miro, na mapapanood naman sa noontime show na "Lunch Out Loud" sa TV5.

"Talagang nagkaroon ng baptism of fire sa showbiz si Sandro Marcos, Salve. Usapan na nali-link siya kay Alexa Miro, isang sexy starlet na kasali sa Lunch Out Loud. Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata."

"Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika. Wala naman masama na ma-link siya kay Alexa dahil pareho naman silang single. Hindi naman ibig sabihin ito na ang isang seryosong relasyon."

"Single at puwede mag-mingle lahit kanino si Cong. Sandro at tiyak na marami pa ang mali-link sa kaniya dahil prize catch siya na isang certified bachelor. Maraming babae na gugustuhin ma-link sa kaniya, kaya humanda na siya sa mga balitang tulad nito. Lalo pa nga at ngayon lang uli nagkaroon ng eligible bachelor na mataas ang premium para sa mga naghahanap ng Papa, hah hah hah. Huwag lang kay Gorgy at Salve ma-link si Cong. Sandro, ok lang, no problem. Binatang-binata at pogi, shy not," ani Lolit.

Samantala, wala pang tugon o pahayag dito si Cong. Sandro Marcos.