Palaisipan sa mga netizen kung sino ba ang pinasasaringan ng aktor na si Kempee De Leon, na isang taong malapit sa kaniya subalit tila wala na raw pakialam sa kaniya at hindi man lamang daw siya kumustahin.

Simula raw mag-umpisa ang pandemya hanggang sa kasalukuyan ay wala raw siyang narinig mula sa taong ito, na hindi naman niya pinangalanan o tinukoy.

“WALA NA ISIP KO LANG NARAMDAMAN AT NAPATUNAYAN," ani Kempee sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 11.

"Mula noong nag-umpisa ang pandemya hanggang ngayon. Wala na pa lang ibang tutulong sa'yo kundi ang Diyos, sarili mo, Ibang tao at iilan na tunay mong kaibigan."

Ogie Diaz sa inalmahang birada ni Pia Wurtzbach: 'Parang humihingi ka ng simpatya'

“At kung sino pa ang inaasahan mo… siya/sila pa ang dedma at walang paki sa'yo kasi safe sila and they have everything in life!"

“Ni di ka man lang maalalang tanungin kung buhay ka pa ba? Kung may kailangan ka? Kung may kinakain ka pa ba? Kamusta kalagayan mo? Kung ok ka lang ba? At kung kamusta ka?"

"Ngayon ko lang napatunayan na kanya-kanya na pala talaga ngayon. Wala ng paki sayo. At least alam ko na talaga ngayon. So be it,” pahayag pa ni Kempee na may hashtags pang #SurviveOnYourOwn #SurvivalMode.

Hindi pa rito natapos ang tila pagpaparinig ni Kempee. Noong Hunyo 15 naman, ganoon din ang naging tono ng kaniyang Facebook post.

“Patawarin ako ng Diyos. Minsan lang ako magsalita pero sorry! Tama na! Nakakapagod at sawa na manahimik. Kitang-kita naman sa ugali at pagkatao. Wag na mapagpanggap!"

“Dedmahan na lang since ganyan naman gawain nyo natitiis nyo ang tao. Makakaalala lang kayo kung may okasyon???? Pero kalagayan ng tao di nyo naaalala kung ano na etc???? Talaga ba?!?!"

“Salamat na lang, at masaya naman buhay nyo kita naman. Pasalamat na lang kayo lahat na sa inyo na wala kayong pinoproblema at inaalala sa araw araw. God bless na lang. Diyos na bahala sa akin wala ng iba.”

May hashtag itong #RealTalkLang at #JustBeingREAL.

Espekulasyon ng mga netizen, mukhang may hugot si Kempee sa isa sa mga kaanak niya.

Si Kempee ay anak nina "Eat Bulaga" host at komedyanteng si Joey De Leon at dating karelasyong aktres na si Daria Ramirez.