Binati ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake ngayong Father's Day ang mga nanay na tumatayo bilang ama para sa kanilang mga anak. 

"Happy Father's Day sa lahat ng mommy jan na nag papaka tatay para sa anak, saludo para sating lahat," sey ni Zeinab sa kaniyang tweet nitong Linggo, Hunyo 19.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

https://twitter.com/zeinabharake11/status/1538237834196561920?s=21&t=NKX6O89LNx-RdNcMIFp_iw&fbclid=IwAR0OrRC6WYQeDV_WBhaFWi7f6nXD3Vi8K1oDxCKyXRQMY3PWr_Q2xx9rymA

Mag-isa na niyang itinataguyod ngayon ang anak nila ni Skusta Clee na si Bia matapos silang maghiwalay.

Matatandaan na noong Abril, nakunan si Zeinab sa pangalawa niyang baby kay Skusta.

“My baby boy rest ka na mahal na mahal ka namin ni Ate Bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon. Be our forever angel mommy loves you so much,” ayon sa caption ni Zeinab, sa kaniyang Facebook post noong Abril 11, 2022. Mababasa na ang ipinangalan ni Zeinab sa anak ay ‘Moon Harake.'

Marami ang nakapansin na hindi na niya binanggit o nai-tag sa post ang partner na si Skusta Clee. Matapos nilang magkahiwalay dahil umano sa ‘third party,' muli silang nagkabalikan noong 2021 hanggang sa nagkaroon na sila ng anak na si Baby Bia.