Pinaplano na ngayon ng Philippine National Police (PNP) na gamitin ang Philippine Arena sa Bocaue at Sta. Maria sa Bulacan bilang viewing area para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. sa susunod na linggo.

Idinahilan ni PNP director for operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon nitong Linggo, na akma ang nasabing pinakamalaking multipurpose indoor arena sa buong mundo, na pagkakabitanng malaking LED television upang masaksihan ng mga supporters ang panunumpa sa tungkulin ni Marcos sa National Museum sa susunod na linggo, Hunyo 30.

"If the Philippine Arena were used as a remote viewing area, it could accommodate around 70,000 inside and another 100,000 outside, particularly in the front area of the arena," pahayag ni De Leon.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa kampo ni Marcos upang mailatagang kanilang mungkahing gamitin ang lugar para sa inaasahang pagdagsa ng supporters nito.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Bukod dito, nais din nilang gamitin ang Philippine Sports Center (PSC) sa Pasig City bilang viewing area para sa live streaming ng inagurasyon. Kayang i-accommodate ng PSC ang aabot sa 40,000 katao.

Pinag-aaralan din nilang gamitin ang North Luzon Express Terminal sa Bulacan at ang Mall of Asia sa Pasay City para sa nasabing okasyon.

"If viewing areas were set up in these areas, then they could greatly reduce the number of people at the National Museum in Manila, which can only accommodate a limited number of people," anang heneral.

Sa pagtaya ni De Leon, aabot sa 1,200 ang inaasahang dadalo sa inagurasyon ni Marcos sa National Museum.

Nakahanda na rin aniya ang mga tauhan nitong ipakakalat sa loob at bisinidad ng pagdarausan ng inagurasyon.

PNA