Proud na binati ni Mariel Rodriguez-Padilla ang kaniyang mister na si Senador Robin Padilla para sa pagdiriwang ng "Father's Day" nitong Hunyo 19, Linggo.

"Happy Father’s Day, Tatay!!!!!! Happiest when he is with the kids. Thank you for all that you do for us. We appreciate and love you very much!!! (Mga bagong gising hehe #jetlag is real) Robin Padilla," saad ni Mariel sa kaniyang Facebook post. Kauuwi lamang nila mula sa Espanya matapos ang bakasyon.

Bilang pagtatanggol naman kay Robin hinggil sa bashers na nagsasabing wala siyang utang na loob at hindi man lamang pinasalamatan si President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa kaniyang pagkapanalo bilang senador at pagiging number 1, ibinahagi niya ang isang post mula sa isang Facebook page na "Ka Progress Sara22".

Iniintriga kasi ng mga netizen, lalo na ang UniTeam supporters, na mas pinasalamatan pa niya si Queen of All Media Kris Aquino kaysa kay BBM.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Narito ang buong FB post mula sa ibinahagi ni Mariel:

"Kung tutuusin ay wala namang masama kung hindi man nabanggit ang UniTeam, dahil doon sa pagsabi niya ng 'din' ay maliwanag na may iba pang CONTRIBUTOR."

"Alam din ng lahat na siya ay belong sa UNITEAM kaya understood na 'yon, kumbaga ay iyon ang bahay niya… Sa tahanan, ang bisita ang unang inaasikaso kapag may okasyon kasi maintindihan tayo ng kasambahay natin o maaaring tulungan pa nila tayo sa pag-iintindi sa bisita."

"Siguro kung maliban kay Kris ay may pinagbabanggit siyang napakarami at pinasalamatan din tapos hindi binanggit ang UniTeam, puwede kayo mag-isip nang masama."

"Pero ako, di ko pa rin maiisip 'yon na binalewala ang UniTeam kasi nasa loob siya ng UNITEAM, kumbaga damit niya 'yon kaya iyong mga tumulong na lang na galing sa labas kaniyang pinasalamatan."

"Isa pa, puwede naman magpasalamat na hindi sabay-sabayin. Marami rin naman akong napanood na pinasalamatan niya ang buong UniTeam."

Matatandaang sa isang Facebook post ay nagpaliwanag na rin si Robin kung bakit hindi niya binanggit si BBM sa mga taong pinasalamatan niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/09/ilang-uniteam-supporters-nagalit-kay-robin-bakit-daw-kay-kris-nagpasalamat-at-hindi-kay-pbbm/">https://balita.net.ph/2022/06/09/ilang-uniteam-supporters-nagalit-kay-robin-bakit-daw-kay-kris-nagpasalamat-at-hindi-kay-pbbma>

Sa latest Facebook post naman ng senador ay sinabi niyang ang 'secret weapon' talaga niya kung bakit siya nag-number ay ang mag-asawang dating Pangulo at Pampanga congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at mister nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Wag nlang po tayo mag isip bata na parang inagawan ng lollipop.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/19/ang-hari-at-reyna-ng-buong-kampanya-ko-gma-mike-arroyo-secret-weapon-ni-robin-sa-pagkapanalo/">https://balita.net.ph/2022/06/19/ang-hari-at-reyna-ng-buong-kampanya-ko-gma-mike-arroyo-secret-weapon-ni-robin-sa-pagkapanalo/