Hindi na raw agad nakilala ng mga nagtungo at namasyal sa isang art museum ang aktor na si John Lloyd Cruz dahil umano sa malaking pagbabago sa hitsura nito.

Ayon sa ulat ng isang pahayagan, dinaan-daanan na lang daw at hindi pinansin ng museum attendees si John Lloyd sa pag-aakala raw na hindi naman ito ang celebrity na nagpaiyak at nagpa-in love sa karamihan, dahil sa kaniyang mga pelikula at teleserye, hanggang sa isang tagahanga ang nakakilala rito.

Nang magpakuha ng larawan ang tagahanga ay noon lamang umano namalayan ng museum attendees na may kasama pala silang artista.

Ayon daw sa mga nakakita sa kaniya ay parang tumanda ang hitsura at pumayat ang aktor. Mukhang hindi na rin umano ito conscious sa kaniyang hitsura, dagdag nila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Si John Lloyd Cruz ay isa sa mga pinakasikat na matinee idol at bankable actor ng kaniyang henerasyon. Mas lalo pa siyang sumikat dahil sa tambalan nila ni Bea Alonzo sa ABS-CBN.

Matatandaang nag-showbiz hiatus si John Lloyd nang magkaroon sila ng anak ni Ellen Adarna.

Nitong 2021 ay muling nagbalik si JLC sa tulong ni Willie Revillame, nang maging guest niya ito sa isang event. Pinangangasiwaan na rin ng Crown Artist Management ang kaniyang career, na pagmamay-ari ng aktres na si Maja Salvador at fiance nitong si Rambo Nunez.

Sa kasalukuyan ay may sitcom si JLC na "Happy ToGetHer" sa GMA Network na ayon naman sa mga ulat ay pumapalo sa TV ratings.

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Totoo talaga ang kasabihan kukupas din ang kaguwapuhan at kagandahan."

"Noong kabataan nito super pogi, siyempre naman tumatanda na. kaya talagang mag-iiba na ang itsura luh. Saan kayo makakakita ng tao na hindi nag-iiba ang mukha pag tumatanda na hello."

"Alam n'yo kasi si JL sawa na sa pagiging pa-guwapo lagi, halos buong buhay niya ganiyan siya, na dapat palaging pogi sa lahat ng ginagawa niya, nasa kaniya na lahat, natamasa na niya lahat bilang isang sikat at tumatanda na rin. Kaya balewala na sa kaniya siguro yung kung anong hitsura niya sa labas. Importante, nagagawa niya ang gusto niya at masaya siya. Pakialaman ninyo ang mga sarili ninyong hitsura kung gusto ninyo."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni JLC tungkol dito.