Dalawa pang gold medals ang naibulsa ni Carlos Yulo sa9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar nitong Sabado.
Ang unang gintong medalya ay nahablot ni Yul samen's vault nang maka-iskor ng 14.800 kung saan tinalo sina Tachibana Shiga ng Japan (silver) at Kim Hansol ng Korea (bronze).
Nang sumalang sa parallel bars competition, isa na namang gold medal ang nakubranito matapos makapuntos ng 15.167.
Nitong Biyernes, pumitas na rin si Yulo ng gintong medalya sa men's floor exercise.
Sa kabuuan, humakot na si Yulo ng tatlong gold medals at isang silver medal nang sumabak ito all-around event nitong Huwebes.
Dahil dito, pasok na si Yulo saWorld Championships na itinakda sa United Kingdom sa Oktubre 29, 2022.