Ilang araw lamang pagkatapos magsilang, balik-work out na si Kapuso TV host-actress Iya Villania ayon sa kaniyang latest Instagram post.

Ayon sa caption ni Iya, may go signal naman mula sa kaniyang doktor ang pagwo-work out niya.

"With my doctor’s go signal I was able to start on a light workout today, also, got to see whether I could still pull up or not… and the verdict?" ani Iya.

"I tried this before, 2 days after delivering Leon, and boy was that a mistake. I ended up bleeding more so pls wait until bleeding subsides before you guys start working out again, those who had a CS may need to wait it out a little longer before working out again."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa dulo ng kaniyang Instagram ay may disclaimer si Iya hinggil sa kaniyang workout. Napakomento naman dito ang mga kaibigang celebrity at isa na rito si Kapuso star Bea Alonzo na "nag-init ang ulo" sa kaniya.

"Nanganak ka ba talaga?!? Kakainit ng ulo!" sey ni Bea na malapit nang mapanood sa kauna-unahang teleserye sa GMA Network---ang Philippine adaptation ng "Start-Up" katambal si Pambansang Bae at Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Screengrab mula sa IG/Iya Villania

Sumang-ayon naman dito ang mga netizen.

"Hahaha! Same thoughts! Grabe ka Ms. @iyavillania lodi!"

"I feel you, Bea hahahaha."

"Same thoughts! Kainis hahaha."

Natawa naman si Iya rito at pabirong tinawag na "Lola Bey" si Bea.

Screengrab mula sa IG/Iya Villania

Nagpahayag din ng kanilang pag-aalala ang mga netizen dahil baka mabinat daw ang TV host-actress. May ilan namang nagsabi na hayaan na si Iya dahil tiyak na alam na nito ang ginagawa niya.

"Puro kayo binat eh may go signal na nga siya ng doctor. Puro kayo unsolicited advice, alam naman niya ginagawa niya, physically fit si Iya, obviously at may mga tao hindi puwedeng hindi kumikilos. Apat na beses na siyang nanganak, alam na niya 'yan 'wag kayo magmarunong."

"Lakas putek hahaha akala mo di nanganak eh."

Kamakailan lamang ay inamin ni Iya na ang latest panganganak niya ang "pinakamahirap" at "pinakamasakit".