Kinapanayam ni Toni Gonzaga ang tinaguriang "Godfather of Pinoy Rap" na si Andrew E sa kaniyang award-winning talk show vlog na "Toni Talks" na umere ngayong Fathers' Day, Hunyo 19.

Isa sa mga napag-usapan nila ang naging buhay ni Andrew E noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz, hanggang sa panahon ng pangangampanya para sa UniTeam. Matatandaang si Andrew E ang nagsilbing tagabuhay sa crowd sa mga sorties.

Aniya, sanay na raw siya sa gawaing ito dahil ito na ang naging buhay niya noon pa man.

Nang maungkat naman ni Toni ang tungkol sa mga kontrobersiyang pinagdaanan niya kaugnay ng mga pinasikat na awitin, gaya ng "Humanap Ka ng Panget" na inaakusahang plagiarized, isang makahulugang pahayag ang sinambit ng master rapper.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

"Ako natutuwa ako sa accusation na 'yon, alam mo kung bakit? Kasi always remember, ang anumang paghihinala sa iyo na hindi napapatunayan, mas lalo kang nagniningning, tandaan mo 'yan," may kumbiksyong sabi niya kay Toni. Batay naman sa ekspresyon ng mukha ng host at tila sumang-ayon ito. Nag-thumbs up pa si Toni upang segundahan ito.

"Anumang inaakusa sa iyo, na hindi napapatunayan, tumatagal ang panahon, hindi napapatunayan… mas lalo kang nagniningning."

Sa puntong ito ay nag-fist bump sina Andrew E at Toni G.

Matatandaang dalawa sina Andrew at Toni na celebrities na nakaranas ng matitinding cancel culture dahil sa pagpapakita ng pagsuporta sa BBM-Sara tandem.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/28/sabay-sabay-bagong-pilipinas-toni-g-at-andrew-e-hinihiritang-mag-collab/">https://balita.net.ph/2022/05/28/sabay-sabay-bagong-pilipinas-toni-g-at-andrew-e-hinihiritang-mag-collab/

Panoorin ang kabuuang panayam sa Toni Talks: