Dahil sa fit na pangangatawan ngayon ng celebrity hot momma na si Ruffa Gutierrez ay minsa'y natanong na siya ng sariling mom na si Anabelle Rama kung sumailalim ba siya sa isang procedure.

Ito ang nakakaaliw na pagbabahagi ni Ruffa sa isang segment ng “It’s Showtime” kamakailan kung saan kasama niya bilang kapwa hurado ang kapatid na si Raymond at ang kanyang prangkang Cebuana mom na si Anabelle.

“Kunwari perfect na ‘ko, siyang magbi-break nun. Sasabin niya, ‘Ang taba-taba mo. Ba’t ganyan ang suot mo?’” pagbibigay halimbawa ni Ruffa sa pagiging number one critic ng kanyang mom sa kaniya.

“I think she’s more critical of ate. Kami ni Chard [Richard], medyo relaxed naman kami nang kaunti,” saad naman ni Mond sa usapan.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Paliwanag naman ni Anabelle, “Syempre only girl, gusto ko siyang perfect. Eh si Ruffa minsan mahilig mag-display ng braso niya.”

Sunod na prangkang nagkomento ang celebrity mom sa toned nang braso ngayon ni Ruffa.

“Ngayon, pumayat ka na. Kanina I was so shocked, pumayat na ‘yung braso niya. Kasi sabi ko, ‘You always display your braso, ‘Ano ba ‘yan Ruffa,’ sabi ko,” pagpapatuloy ni Anabelle habang nakaere ang noontime show.

“But she lost weight na,” depensa naman ni Mond sa kanyang ate.

Sunod na ikinuwento ni Ruffa ang nakakalaliw na tanong ng kaniyang mom ukol sa kaniyang weight loss.

“Pagpasok ko pa lang sa dressing room, sabi ni mommy, ‘Nagpa-lipo ka ba?’” natatawang sabi ni Ruffa.

“Hello, that’s just part of the food poisoning,” dagdag niya.

Sunod na binarag ni Anabelle ang lagi umanong papuri ng personal assistant ni Ruffa dahilan kung bakit siya nagpapakatotoo sa anak.

“Seyempre alalay mo ‘yan. Baka sampalin mo ‘pag sabihing panget ka,” sabi ni Anabelle.

“Never ako pumuri ng ‘di dapat purihin. I always tell the truth.”

“Ruffa, ako lang talaga magaling magpuri sa’yo. Kung panget, panget. Kung maganda, maganda,” prangkang tugon ni Anabelle sa anak.