Dalawang "words of wisdom" ang ibinahagi ng TV host-actress-vlogger na si Alex Gonzaga-Morada sa kaniyang tweets kamakailan lamang.

Noong Hunyo 16, nagbigay siya ng kaniyang "payo" tungkol sa pagpapakumbaba.

"Hindi sa lahat ng oras ikaw ang tama. Matuto magpakumbaba," aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1537273385092145152

Sumunod naman ay noong Hunyo 17 kung saan sinabi niyang matutong magputol ng ugnayan sa isang taong nagiging toxic na sa iyong buhay.

"A friendly reminder in your feed: There are people in your life that you will have to cut ties with. It’s either you will see their true colors or you will outgrow each other. If they won’t let go, don’t engage anymore. Toxic na 'yan," aniya.

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1537658102048141313

Marami naman sa mga netizen ang tila naka-relate sa mga tinuran ni Alex at umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Try mo munang intindihin baka may pinagdaanan lang at alamin kung bakit nagkaganoon."

"Saktong-sakto pala 'yan sa'yo, dapat lagay mo note to myself. Kasi ikaw mismo toxic pagkatao."

"Paano mo po ika-cut ties mga kamag-anak mo. Halimbawa, mga kapatid mo."

"Right. Peace of mind is everything. Thanks for this reminder."