Humablot ng gold medal si Southeast Asian Games champion Carlos Yulo sa 9th Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar nitong Biyernes.
Pumitas si Yulo ng 14.9333 puntos sa men's floor exercise at natalo nito ang tatlong kalaban mula sa China, Korea at Japan.
Si Yulo ang unang Pinoy na nanalo ng gintong medalya sa Asian Championships.
Kapwa nanalo ng silver medal sina Kim Han-sol (Korea) at Yang Jiaxing (China) habang si Shiga Tachibana (Japan) ay nakakuha ng bronze.
Nitong Huwebes, nakapitas na si Yulo ng silver medal sa men's individual all-around.
Nakatakda ring sumabak si Yulo sa vault at parallel bars finals ngayong Sabado.