Nagpakatotoo sa kanyang nararamdaman ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa tanong kung may takot ba siyang ipagpalit ng asawang si Ion Perez sa isang babae.

“Hindi ko naman siya iniisip. Hindi ko siya ini-entertain, ‘yung thought. Pangalawa, hindi yun pinaparamdam sa akin ni Ion. At saka hindi ako naggugugol ng oras sa pag-iiisip ng pwedeng maging problema, na hindi pa nangyayari,” diretsang saad ni Meme habang sinabing wala siyang takot dala ng mga nabanggit na dahilan.

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Tampok ang love story ni Vice at Ion sa pinakahuling vlog ni Kaladkaren para sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.

Matatandaang noong Oktubre 2021, ikinasal ang showbiz couple sa Amerika kung saan kinikilala ang LGBTQIA+ union.

Basahin: Love truly wins! Ang nakakikilig na ‘wedding vows’ nina Vice Ganda at Ion Perez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Walong buwan bilang mag-asawa, mas ini-enjoy ngayon ni Vice ang kasalukuyang estado ng buhay nila ni Ion.

“Ang ‘now’ namin masaya kami. Wala kaming problema. Hindi perfect ang relationship namin, nagkakabuwisitan kami, nagkakatampuhan pero ‘di kami nag-aaway. Tapos walang threat sa pagsasama namin. Hindi namin nararamdaman ‘yun,” kumpiyansang saad ni Meme.

Sakali namang mangyari na iwan siya ni Ion at ipagpalit sa isang babae, may pabirong saad ang Kapamilya star.

“If it happens, it happens. Bahala na kung mabaliw ako edi mabaliw. Kung humagulgol ako, humagulgol. Kung manabunot, mangaladkad ako ng babae, edi mangyari. Pero ngayon bakit ko pu-problemahin ‘yun?”

Binasag naman ni Kaladkaren ang aniya’y maling pag-uugnay ng panloloko sa isang relasyon sa mga LGBTQ+ couple.

“Alam niyo ‘wag niyo na iisyu niyan, kasi hindi lang naman po yung bakla ang mga pinagpapalit. Pati tunay na babae, lalaki ipinagpapalit. ‘Wag niyo na isipin na dahil mga bakla kami ay ipagpapalit kami ng mga jowa namin. Masaya po kami,” saad ni Kaladkaren.

May hirit naman si Meme sa mga Marites.

“Ang dami niyo nang iniisip sa buhay. Ang hirap-hirap ng mga buhay niyo, ‘wag niyo na kaming isama sa mga problema niyo. Kung mambabae si Ion, ‘wag niyo na isama sa problema niyo ‘yun,” natatawang saad na lang ni Vice.

Sa pagtatapos ng vlog, inimbitahan ni Kaladkaren si Meme na maging “ninang” ng kasal nila ni Luke na gaganapin sa England.