Agad na nakarating sa kaalaman ni Kapuso actor Paolo Contis na pinapiyestahan na naman ng mga "online Marites" ang Facebook post niya kung saan pinasalamatan niya ang kaniyang kaibigang si Yen Santos, nang padalhan siya nito ng kaldereta.

Makikita sa Facebook post ni Paolo noong Lunes, Hunyo 14, ang pag-flex niya sa kaniyang kinakaing kaldereta at brown rice, at naka-tag ito sa Facebook account ng isang "Lilieyen Santos", na kung bibisitahin ay makikilang kay Yen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/">https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/

"Kaldereta! Pero brown rice! Thank you Lilieyen Santos," saad ni Paolo sa kaniyang caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"My pleasure," sey ni Yen.

At mukhang humihirit naman ng adobo si Paolo.

"Adobo next?"

"Abusado ka naman," pabirong saad ni Yen.

Ganting banat ni Paolo, "Grabe ka naman! Pagod agad???"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/paolo-humirit-ng-adobo-matapos-lantakan-kaldereta-ni-yen/">https://balita.net.ph/2022/06/15/paolo-humirit-ng-adobo-matapos-lantakan-kaldereta-ni-yen/

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Paolo, tila dismayado umano ang aktor dahil nagawa pang pag-usapan ng mga netizen ang kaniyang post, na sa palagay niya ay ipinost naman niya sa private account. Hinala niya, baka isa sa mga friend niya na naka-add doon ang naglabas nito sa publiko.

“Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay… Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami,” sey ni Paolo.

"Bash sila nang bash, busog naman ako!" dagdag pa niya.

Nang tanungin kung napadalhan na ba siya ng adobo, hindi pa raw, tugon ng aktor.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang ugnayan, matapos maintriga dahil sa hiwalayang Paolo at LJ.

Bagama't nagsalita na si Paolo at dinepensahan na si Yen tungkol sa isyu, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw si Yen upang ipaliwanag naman ang kaniyang panig.

Ngunit ayon naman kay Manay Lolit Solis, talent manager ni Paolo, wala naman daw sigurong masama kung magkamabutihan man ang dalawa dahil nakipaghiwalay na ang aktor sa kaniyang partner na si LJ Reyes.

Sa palagay raw niya, kaya malapit si Paolo kay Yen ay dahil "mother figure" daw kasi ang aktres at masarap kasama.