Iniulat ng OCTA Research Group nitong Sabado na umakyat na sa 71 porsyento ang one-week growth rate ng Cov id-19 cases sa National Capital Region (NCR).

Sa ulat ng OCTA, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, mula Hunyo 11-17, ang 7-day average sa NCR ay nadagdagan pa at naging 176 mula sa dating 103 lamang o 71% increase.

“This translates to an ADAR (average daily attack rate) of 1.24,” anito pa.

Ang NCR ay nakapagtala ng 282 bagong kaso noong Hunyo 17, 2022, base sa datos ng Department of Health (DOH).

Eleksyon

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila

“With the exception of April 3 (when there was a high number due to possible backlog), this is the highest number of new cases since February 26, 2022,” pahayag ng OCTA.

Kaugnay nito, ang reproduction number naman sa NCR, o bilang ng mga taong maaaring ihawa ng sakit ng isang pasyente, ay tumaas din at umabot na sa 1.80 hanggang noong Hunyo 14, mula sa dating 1.40 lamang noong Hunyo 7.Ang reproduction number na mas mababa sa isa ay indikasyon ng pagbagal ng hawahan ng virus.

Maging ang positivity rate sa rehiyon, o porsyento ng mga tao na nagpopositibo sa sakit mula sa kabuuang bilang ng mga taong sinuri laban sa Covid-19, ay tumaas na rin sa 3.7%.

Sa kabila naman nito, sinabi ng OCTA na bagamat dumarami ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa NCR, mababa pa rin naman ang hospital bed utilization rate na nasa 22% lamang, gayundin ang ICU utilization rate na nasa 17% lamang.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng grupo ang mga mamamayan na patuloy na maging responsable, sumunod sa health protocols at magpabakuna at magpa-booster shot na laban sa virus.