Matapos itanggi kamakailan ni Kapamilya actress Janella Salvador ang espekulasyon na hiwalay na rin umano sila ng partner na si Markus Paterson, ay iginiit naman ng talent manager na si Ogie Diaz na nag-split na nga ang Kapamilya couple.

Sa pinakahuling showbiz update sa YouTube ni Ogie, Sabado, muling naungkat ang tungkol sa umano’y bisyo ni Mark na anang talent manager ay dahilan ng pagkabuwisit ni Janella sa aktor, na dahilan din umano sa naging hiwalayan ng dalawa.

“‘Yung nakarating sa amin, noon pa natin ‘to binalita dito, na may drinking problem si Markus Paterson. 'Yun ang chika. Nabubuwisit daw itong si Janella dahil natu-traumatize siya sa mga lalaking umiinom at hindi nilalagay sa tiyan ang iniinom,” sey ni Ogie.

Dagdag ng talent manager, nagkakahagisan na umano ng gamit at nagkakasakitan dahil sa nabanggit na bisyo ng aktor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Syempre na-traumatize si Janella ‘di ba dahil sa mga nakaraan niyang relasyon, may mga ganyang moment na ‘pag nakakainom, umiinit ang ulo,” dagdag ni Ogie.

“Lalo na ngayon may batang involved. Siguro iba ‘yung level nitong kay Markus kumpara nitong mga nakaraan kasi ngayon may anak sila, so hindi natin alam,” pagpapatuloy ng talent manager.

Sunod naman na direktang sinabi ni Ogie na split na nga talaga ang dalawa.

“Pero alam ko talaga kahit nakatira sa isang bahay ay jiwalay [hiwalay] sila.”

Nauna nang sinabi ni Janella sa isang panayam na nakarating din sa kanya ang mga espekulasyon kaugnay ng tunay na estado ng relasyon nila ni Mark.

"Siguro hindi na maiiwasan napeople will talk," pagbabahagi niya.

"Pero ayun nga. I hope people will respect our privacy as of now and eventuallynaman,kung…Ayon. ‘Yun lang. Respect our privacymuna. But we’re okay."

Ang Kapamilya showbiz couple ay may isang supling sa katauhan ni Jude.