Napansin ng followers ni Kapuso actress Kris Bernal ang unti-unti niyang pag-gain ng weight halos walong buwan matapos ikasal sa chef at businessman na si Perry Choi.

Sa mga larawan ng kamakailang Palawan getaway ng aktres, kapansin-pansin ang beach body ready na pangangatawan nito.

Kung noon ay madalas siyang mapuna dahil sa kanyang sobra umanong pagiging payat, ngayon ay napansin naman ng followers ang unti-unti na niyang pag-gain ng weight.

Positibo namang tinanggap ito ng aktres.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Many of you have commented on how much better I look now that I've gained weight. True, I gained 10 pounds by living with a chef husband who cooks carbo loaded foods every day, rarely exercises, and hoards tubs of icecream and chocolates at the grocery store,” pagbabahagi ni Kris sa kaniyang Instagram.

Dagdag nito, nabawasan na rin ang kanyang workout sessions dala ng kaniyang busy schedules.

“Every other day has been reduced to once a week. Yes, it has made me gain weight. 🌻”

Sey ng netizens, tila hiyang nga at masaya ang aktres sa buhay may-asawa.

""Yaaaahhhh sexieeeerrrr 😍😍🔥🔥🔥 Masayang makabasa na amidst breakups issues of many celebrities, may isang Kris na sobrang saya with her hubby,❤️" komento ng isang netizen sa Instagram post ni Kris.

“And it really suits you po you look even more beautiful ❤️❤️❤️.”

“Yep, mas bagay sayo malaman ng slight. but what matters is youre happy,😊” sweet na komento ng isang follower.

“Bumalik na po ung katawan nyo. Ganda po.❤️”

“This is better 😍 but no matter what shape we are as long as we love our body is still the best!!”

Noong Setyembre 2021 nang ikasal si Kris kay Perry.