Ikinawindang ng mga host at mismong ni Raymond Gutierrez ang walang prenong komento ng mom na si Anabelle Rama sa isang “Showtime Sexy Babe” contestant matapos mapansing patay na patay ito sa kanyang boyfriend.

Ikinaloka ng “It’s Showtime” hosts ang diretsahan na namang komento at payo ng talent manager na si Anabelle sa isang contestant ng noontime show nitong Biyernes, Hunyo 17.

“Wala akong masabi ang ganda-ganda mo sa TV, telegenic ka. Ang galing mo magsalita, masyado kang matalino. Para sa akin, you have the confidence. Meron kang killer smile. ‘Pag tumawa ka, napakaganda mo. Natural na natural ang acting mo day,” pagsisimula ni Anabelle sa ikalawang Sexy Babe contestant nitong Biyernes na si Sam Colloso.

Hindi naman nakaligtas sa celebrity mom ang napansin nito kay Sam.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“So para sa akin, yung sinasabi mong puro boyfriend, kalimutan mo muna ‘yung boyfriend kasi sayang future mo. Kasi pwede ka pang sumali sa iba pang pageants,” saad ni Anabelle sabay banggit sa Miss World, Miss Universe at iba pang national pageants.

Ikinawindang naman ng hosts at hurado ang sunod na payo ng talent manager sa contestant.

“You have the height at saka magaling ka, wala akong masabi. Ang gusto ko lang, ‘wag ka magpabuntis sa boyfriend mo,” walang anu-anong saad ni Anabelle.

“Napansin ko kasi ngayon na inlove na inlove ka na, Hinabol-habol mo siya. Masyadong halata, ikaw yung humahabol. Hayaan mo na siya. Maraming lalaking matalino, kasing-talino mo. Makakakuha ka rin ng mabait na gwapong boyfriend,” dagdag niya..

"Grabe naman 'yung pregnancy kaagad, gusto niyo 'yun?" pagsingit ng mahahalatang kabado ring si Raymond sa komento ng kanyang mom.

“Kahit ‘di mayaman, ‘wag lang PG [patay gutom], okay lang sa akin, para sa’yo,” pagpapatuloy na payo ng celebrity mom sa 23-anyos na contestant habang sinabing marami pang naghihintay sa future nito.

Hindi pa rito nagtapos ang komento ni Anabelle at nauwi pa sa birth control ang usapan.

“Kung ‘di ka makapag-ingat, mag-pills ka na lang, para safe,” saad ni Anabelle na parehong muling ikinawindang ng mga host.

Sinegundahan din ni Karylle ang saad ni Anabelle at aniya’y hindi naman masamang pag-usapan ang safe sex.

&list=PLPcB0_P-Zlj6S3_vZw_t6bBpnTf7l36fE