Matapos ang diretsang pagsagot ni Carla Abellana sa isang netizen na nagbasag sa kaniyang ilang buwang pananahimik tungkol sa mga isyung kinasangkutan ng relasyon nila ni Tom Rodriguez, naglabas na rin ng pahayag ang home network ng Kapuso couple.

Ikinalungkot ng GMA Network ang kinahantungan ng real-life Kapuso couple, ilang buwan lang matapos ikasal noong Oktubre 2021.

“We are saddened by the recent turn of events involving GMA artists Carla Abellana and Tom Rodriguez,” saad ng GMA Network sa isang pahayag, Biyernes.

Dagdag ng network, hiling nila na mapayapang maresolba ng dalawang panig ang mga isyung kinasangkutan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“It is our prayer that they will be able to resolve their issues at the soonest possible time and in the most amicable manner,” anang GMA.

Nakiusap din ang network sa mga tagasuporta, at sa publiko na iwasang magpakalat pa ng mga espekulasyon tungkol sa Kapuso couple.

Sa naunang pahayag ni Carla, sinabi nitong sa loob ng pitong taon ay nagtiis siya kay Tom.

Wala rin aniya siyang ginawa sa aktor kundi ang ibigay ang kanyang lahat hanggang sa wala nang matira para sa kaniyang sarili.

“Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kaniya sa paraan ng pagganti. Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako nang husto.”

Dagdag ng aktres, kakarampot lang ng mga naririnig o nababasa online ang alam ng publiko.

“Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita. Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo online, sa TV, etc. Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos.”

Basahin: Carla, sumabog na; binasag ang katahimikan tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Tom – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nanatililing tikom ang aktor at asawa ni Carla na si Tom sa binitawang pahayag ni Carla.