Naharang ng mga pulis ang ₱4.6 na halaga ng puslit na sigarilyo sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga City nitong Huwebes at Biyernes ng madaling araw.

Sa isang panayam, kinilala ni Area Police Command-Western Mindanao (APC-WM) operations chief, Col. Richard Verseles, ang unang apat na suspek na sina Ali Julkanain, 26, at Mujibar Sharipa, 45, kapwa tripulante ng bangkang de-motor na “Piranha”, at Julpikar Dasid, 42, at Jomar Acbal, 32, kapwa tripulante ng bangkang Wranglers.”

Nakumpiska sa kanila ang ₱2.2 milyong halaga ng sigarilyo habang ito ay sakay ng kani-kanilang bangka sa dalampasigan ng Barangay Ayala dakong 4:20 ng madaling araw.

Kinumpirma ni Verseles na galing ng Jolo, Sulu ang mga sigarilyo.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Aniya, isa pang suspek na si Brazil Mudjahirin ang naaresto sa maikling habulan sa Maria Clara Lorenzo Lobregat highway, Sitio Catumbal, Brgy. Culianan nitong 5:45 ng madaling ng Huwebes na ikinasamsam ng ₱200,000 puslit na sigarilyo.

Dinakip naman sina Ibrahin Irilis, 32; Sabturan Malam, 40; at Jibral Esad, 29, sa isa pang operasyon sa Brgy. San Roque dakong 1:40 ng madaling araw.

Nakumpiska sa mga ito ang ₱2.2 milyong halaga ng sigarilyong karga ng isang van. Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso laban sa walong suspek.

PNA