Isang tricycle driver ang binawian ng buhay matapos masagi ng isang 10-wheeler truck na nawalan umano ng preno sa Pidigan, Abra nitong Miyerkules.

Dead on arrival sa ospital si Sherwin Alagao, 36, taga-nasabing lugar, dahil sa matinding pinsala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Sa report ng Pidigan Municipal Police Office, pauwi na sana si Alagao mula sa maghapong pamamasada at tinatahak ang pakurbadang bahagi ng national highway sa Brgy. Pangtud nang makasalubong ang truck na nawalan ng kontrol matapos pumalya ang preno.

Kinain ng truck ang kabilang bahagi ng kalsada at nasagi ang tricycle ni Alagao bago ito bumaligtad.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Sinabi ng pulisya, kagagaling lamang sa Laoag City, Ilocos Norte ang truck at magde-deliver sana ng grocery items sa Bangued, Abra nang maganap ang aksidente.

Nahaharap na ngayon sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng truck.