Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules sa posibleng pagdami ng mga severe at critical cases ng Covid-19 sa Agosto, bunsod umano ng nababawasang immunity ng publiko laban sa virus.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa kasalukuyan ay stable pa ang severe at critical cases ng COVID-19 sa bansa, at hindi pa napupuno ang mga pagamutan.

Gayunman, mayroon aniyang projection na pagsapit ng Agosto ay posibleng madagdagan ang hospitalisasyon at magkaroon ng mas maraming kritikal na kaso ng sakit.

Binigyang-diin ni Vergeire na nababawasan ang immunity ng mamamayan dahil maliit na porsyento lamang sa mga ito ang nagpapaturok ng booster shots.

Eleksyon

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila

“There is this projection that maybe by, it might happen, that by August, our hospitalizations will increase and there would be more severe and critical cases because of the waning immunity of the population,” ani Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

Una nang sinabi ni Vergeire na mahalagang mapanatili ang mababang bilang ng severe at critical cases ng sakit dahil sa naoobserbahang pagtaas ng mga naitatalang bagong COVID-19 cases.

Sa datos g DOH, nasa 14.56 milyong indibidwal pa lamang ang nakakatanggap ng kanilang first booster shot laban sa COVID-19 habang nasa 557,000 naman ang naturukan na ng second booster shot.

Sa ngayon aniya, tanging ang mga immunocompromised individuals, health workers, at senior citizens pa lamang ang maaaring makapag-avail ng second booster shot.

Maaari ring aniyang magpa-first booster shot ang mga nakatanggap na ng primary series, o first at second dose ng bakuna.