Matapos matikman ang kaldereta ni Yen Santos, adobo naman ngayon ang hiling ni Paolo Contis sa susunod na magpapadala ito ng putahe sa kaniya.

Makikita sa Facebook post ni Paolo nitong Lunes, Hunyo 14, ang pag-flex niya sa kaniyang kinakaing kaldereta at brown rice, at naka-tag ito sa Facebook account ng isang "Lilieyen Santos", na kung bibisitahin ay makikilang kay Yen.

"Kaldereta! Pero brown rice! Thank you Lilieyen Santos," saad ni Paolo sa kaniyang caption.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/">https://balita.net.ph/2022/06/15/pa-kaldereta-as-a-friend-paolo-contis-pinasalamatan-si-yen-santos-dahil-sa-ulam/

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa comment section, makikitang tumugon naman dito si Yen.

"My pleasure," sey ni Yen.

At mukhang humihirit naman ng adobo si Paolo.

"Adobo next?"

"Abusado ka naman," pabirong saad ni Yen.

Ganting banat ni Paolo, "Grabe ka naman! Pagod agad???"

Screengrab mula sa FB/Paolo Contis

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang ugnayan, matapos maintriga dahil sa hiwalayang Paolo at LJ.

Bagama't nagsalita na si Paolo at dinepensahan na si Yen tungkol sa isyu, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw si Yen upang ipaliwanag naman ang kaniyang panig.