Pinasalamatan ni Kapuso actor Paolo Contis ang kaniyang kaibigang si Yen Santos dahil sa pa-kaldereta nito para sa kaniya.

Makikita sa Facebook post ni Paolo nitong Lunes, Hunyo 14, ang pag-flex niya sa kaniyang kinakaing kaldereta at brown rice, at naka-tag ito sa Facebook account ng isang "Lilieyen Santos", na kung bibisitahin ay makikilang kay Yen.

"Kaldereta! Pero brown rice! Thank you Lilieyen Santos," saad ni Paolo sa kaniyang caption.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa FB/Paolo Contis

Hindi naman tumugon dito ang tinag na si Yen.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin nililinaw ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang ugnayan, matapos maintriga dahil sa hiwalayang Paolo at LJ.

Bagama't nagsalita na si Paolo at dinepensahan na si Yen tungkol sa isyu, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw si Yen upang ipaliwanag naman ang kaniyang panig.