Hindi napigilan ng ilang katkatera at intrigerang netizen na usisain si Kapamilya actress Julia Montes sa latest Instagram post nito para sa endorsement ng isang produkto ng shampoo.

Nangingibabaw talaga ang ganda ngayon ni Julia Montes na bahagi ng cast members ng longest-running teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan at idiniderehe na rin ng napapabalitang boyfriend na si Coco Martin. Gumaganap siya rito bilang "Mara" na binigyang-deskripsiyon bilang 'huling pag-ibig ni Cardo Dalisay'. Siya naman ang unica hija ng mga karakter nina Megastar Sharon Cuneta (Aurora) at Rowell Santiago (President Oscar Hidalgo).

Ngunit sa isa sa mga litrato ni Julia ay napansin ng mga netizen na tila naipakita niya ang suot na singsing sa kaliwang kamay, sa daliring palasingsingan, na karaniwang pinaglalagyan ng wedding ring.

Tanong ng mga netizen, nagpakasal na ba si Julia? May ilan pang tumawag sa kaniya na 'Mrs. Martin'.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"'Yun oh ang bato ni Mrs. Martin."

"Wedding ring?"

Ngunit kung may ipinakita, tila may itinatago naman daw si Julia sa bandang tummy. Sa unang litrato, makikitang nakaupo si Julia at natatakpan ang kaniyang tiyan ng mga produktong ineendorso.

Sa pangalawang litrato naman, nakaupo pa rin siya habang nagkakape ngunit mapapansing may unang nakapatong sa kaniyang tiyan.

Pinuna rin ng mga netizen ang tila pananaba niya.

Tanong ng bayan, buntis daw ba siya? Ito raw ba ang dahilan kung bakit nadisgrasya ang karakter niya sa FPJ's Ang Probinsyano kaya hindi siya nakikita ngayon sa serye? Maaksyon pa naman ang kaniyang mga eksena roon.

Isang netizen ang humulang baka nasa tatlong buwan na raw ang pinagbubuntis niya.

Narito ang iba pang komento ng mga netizen:

"I think she's pregnant."

"Tumaba ka bigla Juls."

"Is she pregnant?"

"Kailan ka po babalik sa ang Probinsiyano?"

"Hello baby!"

Samantala, hindi naman tumugon o nag-react si Julia sa mga komento at pang-iintriga sa kaniya ng mga netizen, kagaya rin ng hindi niya pagkukumpirma sa relasyon nila ni Coco.