Nagpositibona naman sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang anak ni Senator Imee Marcos nia siIlocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc.

"My son, the governor of Ilocos Norte, has fallen ill with COVID once again," pahayag ng senador nitong Miyerkules.

Nagpapagaling na aniya ang kanyang anak upang naka-isolate na rin upang maiwasan ang hawaan.

Noong Enero aniya, unang tinamaan ng virus ang gobernador kahit ito ay asymptomatic.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Kaugnay nito, iminungkahi ni Marcos na manatili muna ang kasalukuyang health protocols na ipinatutupad, dahil tumataas na naman ang mga kaso ng sakit sa bansa.

Aniya, sakaling isailalim na naman sa Alert Level 2 ang Metro Manila, nanawagan ito na huwag nang magpatupad ng lockdown dahil lalo lamang dadami ang magugutom.