Hindi nasaktan at ayos na ayos naman ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu nang tangkain niyang mag-headstand sa "It's Showtime" subalit nawalan umano siya ng balanse kaya nasubsob ang mukha niya sa sahig.

Agad naman siyang dinaluhan ng mga co-host na sina Amy Perez, Ryan Bang, Karylle, Jugs Jugueta, Ogie Diaz, at ang nagbuyo at humamon sa kaniyang si Sample King Jhong Hilario na muling nagbabalik sa noontime show.

Mabuti na lamang daw at may suot na headband o supil si Kim kaya hindi masyadong masakit ang nangyari. Tinawanan na lamang ni Kim ang nangyari sa kaniya.

Bago ito, nagpa-sampol muna ng paghataw ang konsehal ng Makati, hanggang sa binuyo naman niya si Kim na humataw rin, yaman din lamang na siya ang tinaguriang "Queen of the Dancefloor" ng Kapamilya Network.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Biniro na lamang siya ni Jhong na mahirap daw talagang humalik sa sahig.

Samantala, ibinahagi naman ni Kimmy sa tweets ang ilang mga kuhang screengrab ng kaniyang failed headstand.

"Eto dapat gawin ko, di lang umabot! hahahahaha," ani Kim sa isang tweet.

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1536570721366773760

Marami naman ang pumuri kay Kim dahil gagawin daw talaga nito ang lahat para lamang magpasaya ng madlang pipol.