Hindi nakaligtas maging si Ruffa Gutierrez sa diretsahang pagsisiwalat ng kanyang mom na si Anabelle Rama tungkol sa dahilan kung bakit aniya minsan ay lutang na hurado ang anak sa isang segment ng “It’s Showtime.”

Ang Gutierrez squad na binubuo ng talent manager at concert producer na si Anabelle kasama ang celebrity siblings na sina Ruffa at Raymond ang tampok ngayon bilang celebrity guest hurados sa segment na “Showtime Sexy Babe.”

Kagaya ng inaasahan, hindi napigilan maging ni Ruffa ang diretsang pag-ispluk ng ina sa isang simpleng tanong ni Meme Vice.

“Magaling ba mag-judge si Ruffa, Tita Anabella?” tanong ni Vice.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sometimes, parang wala sa sarili,” walang kiyemeng sagot ng talent manager na ikinahalakhak nina Meme, Jhong, Ogie at maging ng magkapatid na sina Ruffa at Raymond.

“Tita Anabelle bakit kaya siya wala sa sarili?” segundang tanong ni Ogie.

Sagot ng celebrity mom, “Baka busy sa cellphone.”

“Sino kausap?” Laging may ka-text, sino sa palagay mo?” dagdag na hirit ni Meme.

“Sino pa nga ba? Sino pa, Ruffa. Kaibigan mo, si Herbert,” diretsang sagot ni Anabelle na ikinaloka ng anak.

Matatandaang noong Marso, ibinida ni Ruffa sa kanyang Instagram post ang rumored dyowa nitong si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Basahin: Confirmed! Ruffa Gutierrez, flinex ang jowang si Bistek; aprub kaya ni Tita Anabelle? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang panayam naman noong Abril, inamin ni Bistek na wala silang label umano ng TV personality.

“Uso pa ba ang labels ngayon? I mean with this age,” sagot niya sa tanong kung may label nga ba sila ni Ruffa sa isang panayam ni Ogie Diaz.

Sa huli, isang mature relationship umano ang namamagitan sa kanila ni Ruffa.

Basahin: Bistek, sinabing wala silang commitment ni Ruffa: ‘Uso pa ba ang labels ngayon?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid