May 22, 2026

Home BALITA

₱1 price hike sa kada litro ng diesel, gasolina, nakaamba sa susunod na linggo

₱1 price hike sa kada litro ng diesel, gasolina, nakaamba sa susunod na linggo
Photo courtesy: Unslash

Nakatakdang sumalubong sa mga motorista ang oil price hike para sa diesel at gasolina sa susunod na linggo.

Ayon sa tala ng Mean of Platts Singapore (MOPS), tinatayang aabot sa ₱1.30 ang presyo ng diesel kada litro habang ₱1.50 naman kada litro para sa gasolina.

Para sa diesel, nakakaapekto pa rin umano ang patuloy na supply disruption sa pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

"Diesel is supported by higher crude prices and unresolved supply disruptions, with feedstock procurement continue to remain a challenge for Asian refiners" anang report sa MOPS.

Habang ang paghina naman ng production sa Europa at mataas na demand sa US ang nakakaapektong salik sa presyo ng gasolina.

National

DSWD, pinabulaanang may pulitika sa pagpapasok ng 4Ps beneficiaries

"Gasoline prices are also higher as global markets continue to remain tight, with supplies from Asia possibly moving to other regions amid reduced production in Europe, and demand from US accelerates with the onset of the peak summer," saad pa ng nasabing report.

Matatandaang noong unang linggo pa ng Marso nang magsimula ang magkakasunod na paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado magmula ng sumiklab ang sigalot sa pagitan ng Iran at pinagsanib-pwersang lakas ng US at Israel.