Usap-usap ngayon sa TikTok ang video ng baguhang aktres na si Bianca De Vera matapos niyang ibahaging nahatak ang kaniyang kotse dahil mali umano ang pagkaka-parking niya.

“Hi, guys! So currently, as you can see, umaandar ‘yung kotse ko kahit hindi ako nagda-drive — kasi na-tow ‘yung kotse ko,” saad ni Bianca na gumaganap na kapatid ni Kathryn Bernardo sa teleseyeng "2 Good 2 Be True".

Ipinakita pa niya ang hawak na dokumento na nagsasaad ng kaniyang paglabag sa batas panlansangan.

"Hayan, guys. Violation daw kasi parang mali ‘yung pinag-parking-an ko,” aniya pa.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Subalit sa bandang dulo, ibinunyag ng aktres na hindi siya naiiyak dahil sa pagkaka-tow ng kaniyang sasakyan, kundi dahil hindi natapos ang pagre-rebond sa kaniyang buhok. Mukhang habang inaayusan siya sa isang salon ay dito na naganap ang towing.

“Sa ‘kin lang, sana pinatapos nila ako ipa-rebond ‘yung buhok ko, ‘di ba? Hindi pantay ‘yung buhok ko, guys."

“Sabi ko kay kuya, ‘Kuya, puwede ba kahit five minutes lang, kailangan lang ipantay ni ate ‘yung buhok ko.’ Pero, guys, hindi siya pantay!"

Sa comment section ng TikTok video, may pahabol pa si Bianca lalo't marami ang natatawa sa kaniya imbes na maawa.

"Don’t worry guys natatawa rin ako 'wag na kayong mag-sorry

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Di ko alam kung maaawa ako, mai-stress o matatawa. Pero I'm sorry this happened to you grabe kaka-frustrate nga 'to haha."

"Ate di ko alam kung iiyakan ko yung kotse mo o yung buhok mo."

"Maryosep akala ko pa naman nagsisisi siya dahil sa pagkaka-tow at nag-violate siya."

Habang isinusulat ito ay umabot na ito sa million views ang naturang TikTok video.