Hindi mapigilang malungkot ng netizens sa kamakailang live performance ni Juan Karlos Labajo sa kanyang 2018 hit na “Buwan” kung saan ilang salita ng kanta ang binago ng singer na anang netizens ay para sa ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz.

Matapos ang apat na taon, noong Hunyo 12, muling pinerform ng singer-songwriter ang “Buwan” sa Eastwood Open Park, lugar kung saan niya unang beses binigyang-buhay ang kanta sa isang live performance.

Pagbabahagi rin ng singer, sa parehong event niya kinanta ang “Buwan” na ngayo’y hindi na karelasyon si Maureen Wroblewitz.

Parehong netizens at audience ng live performance ni JK ang nalungkot nang intensyonal nitong baguhin ang mga lyrics sa sikat na kanta.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Ako’y sa’yo, ika’y ‘di akin. Ganda mo pa rin sa paningin,” pagsisimula ng singer kung saan maririnig ang mga reaksyon ng tila nalulungkot na audience.

“Ako ngayo’y nag-iisa, umaasang ako’y tabihan na,” pagpapatuloy ni JK.

Viral ngayon sa Facebook at TikTok ang nakuhanang performance na ito ng ni JK na ikinalungkot ng netizens.

“Pinakamasakit talaga na break up is yung walang cheating na nangyare. Yung mutual decision nyo nalang maghiwalay kasi hindi na talaga pwede,” komento ng netizens sa viral TikTok content.

“Although it's a mutual decision and a healthy breakup one, sakit pa rin.”

“How he adores her ☹”

“I usually use ‘Ako'y sa'yo ika'y 'di akin’, when I'm singing that song pero mas masakit pala pakinggan kapag sa kanya :<”

“Halatang mahal na mahal niya si Mau 🥺”

“’Di ko talaga kaya yung healthy break-up 😭 like gaguhin mo na ako tanggap ko pa pero teh hwjahsjabzjsbxhxb”

Dalawang araw bago ang event, inanunsyo ng celebrity couple ang kanilang hiwalayan sa magkahiwalay na posts sa kanilang social media accounts.

“Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli,” saad ni JK sa anunsyo ng hiwalayan nila ni Maureen.

 “Some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own.” anang beauty queen,” hiwalay na pahayag naman ng beauty queen.

Basahin: Maureen Wroblewitz at Juan Karlos Labajo, hiwalay na rin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pinasalamatan din ng JK ang beauty queen sa mga naituro nito sa kanya sa loob ng ilang taong pagsasama.

Sa kabila ng hiwalayan, nananatiling maging magkaibigan ang dalawa.

Basahin: JK, nagpasalamat sa mga taong nakasama si Maureen: ‘You’ve taught me so much and I’ve learned’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid