Para sa Filipino-Italian actor na si Marco Gallo, bagama't nagkaroon na siya ng butt exposure sa isang pelikula na talaga namang pinag-usapan, ang bago niyang pelikula ngayon na "Kitty K7" ang pinakamatindi, lalo na sa maiinit na eksena.

Dito niya narinig ang tinatawag na "Asian position" sa pakikipagjugjugan, bagay na ginawa nila ng kaparehang si Rose Van Ginkel sa ilan nilang maaalab na eksena.

Kuwento ni Rose sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, medyo nahirapan sila sa paggawa nito pero nairaos naman nila, dahil literal na sumakit daw ang mga binti ni Marco dahil dito. Aminado rin si Rose na noong una raw ay nagkailangan sila.

"Ang agwat kasi ng edad namin ni Marco, five years. So, sabi ko, 'Sh*t, parang ate na ako nito tapos ganito ang gagawin namin," pag-amin ni Rose na natuwang 'nabinyagan' niya si Marco sa paggawa ng mga steamy scenes.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Si Marco, matangkad siya. Ako medyo maliit. Meron kaming ginawang Asian position daw. Yung legs niya, dun ako nakapatong na sobrang sakit na sakit si Marco. To the point na sinabi niya na ‘Direk, ang sakit!’ Tawa ako nang tawa pero ginawa naman ni Marco. Tinulungan niya ako," aniya.

"First time kasi ni Marco na mag-love scene. Masaya ako na pumayag siyang gawin yung first time niya sa akin. Sobrang na-touch naman ako."

Nagalak naman si Marco nang marinig nito ang papuri ng kaniyang kapareha, kaya medyo nakaramdam daw siya ng kilig tungkol dito.

Mapapanood ang "Kitty K7" sa Vivamax sa darating na Hulyo 8.