Tila ready nang pakasalan ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang nobyang si Julia Barretto nang mag-request ito sa bride na iabot ang bouquet sa kaniyang nobya imbis na ibato ito.

Alam naman natin na traditional na ginagawa sa isang kasalan na ibabato ng bride patalikod ang kaniyang bouquet sa mga dalaga at kung sino ang makasalo nito, siya ang susunod na ikakasal.

Pero iba ang nangyari sa kasal ng mutual friend nina Anderson at Barretto na si Bianca Yanga dahil imbis tuluyan niyang ibato ang bouquet, lumapit ito kay Barretto at iniabot ang bouquet.

Na-surprise ang aktres sa ginawa ng bride. Makikita sa inupload na video ni Yanga na itinuturo nila si Anderson na nakatingin sa kanila at malawak ang ngiti.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Guess who’s next?” ani Yanga sa caption ng nasabing video. 

"Tagging you @andersongeraldjr, sinunod ko ang gusto mo!" sey pa niya.

Matatandaan na sa isang panayam ni Barretto kay Boy Abunda, papayag siyang magpakasal kay Anderson sa oras na ayain siyang magpakasal nito. 

Hindi na umano siya natatakot na lumagay sa tahimik kasama ang jowa. Ito na aniya ang nais niyang makasama habambuhay.

Handa na umano siyang bumuo ng pamilya, at kaya niya raw talikuran ang showbiz upang maibigay ang atensyon sa pag-aalaga ng kaniyang magiging pamilya.

Balita: https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-handang-pakasal-at-talikuran-ang-showbiz-para-kay-gerald/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/23/julia-handang-pakasal-at-talikuran-ang-showbiz-para-kay-gerald/