Sino kaya itong aktor na tinawag na "Casino King" ni showbiz columnist Manay Lolit Solis matapos umanong manalo ng limpak-limpak na salapi sa nabanggit na sugal?

Iyan ang pa-blind item ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Hunyo 12. Simula raw nang mawalan ng proyekto ang aktor, naging tambay na ito sa casino. Nakapagtataka raw kung saan kinukuha ng aktor ang puhunan sa sugal.

"News mo Salve na may nanalo aktor ng 23M sa casino. Mula ng wala nang ginagawang pelikula o project ang naturang aktor, balita ng tambay ito sa casino. Nagtataka nga ang marami saan kinukuha ng aktor ang puhunan sa sugal, eh ang ginagawa lang nito maging alalay sa ilang mataas na opisyal ng gobyerno."

Sa kabilang banda. hindi na raw problema ng mga utaw kung kanino at paano niya nakukuha ang ipinansusugal niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Sabagay, saan man niya kunin ang puhunan sa pang sugal niya hindi naman natin problema, kanya kanya naman raket ang bawat isa sa atin. Mabuti naman at panay daw ang panalo ng aktor ngayon dahil paalis na sa puwesto ang dinidikitan niyang pulitiko, at hindi na ganuon ka-influential ang isa niyang BFF na nasa mataas na puwesto."

"Sana nga lagi na lang panalo para naman hindi magkaroon ng financial problem ang aktor, dahil ito na lang yata ang trabaho niya. Bongga, casino king siya talaga," ayon pa kay Lolit.

Tanong ng bayan, sinetch itey?