Iginiit ni Cebu Governor Gwen Garcia nitong Lunes na walang legal na basehan upang arestuhin ang mga hindi nagsusuot ng face mask sa lalawigan.

Ikinatwiran ni Garcia, nakapaloob sa inilabas niyang executive order nitong nakaraang linggo na optional ang paggamit ng mask sa mga open at ventilated areas. Gayunman, required lamang na isuot ito sa mga air-conditioned area at saradong lugar.

Aniya, reaksyon niya ito sa pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na aarestuhin ang mga lalabag sa health protocols kung kinakailangan dahil hindi kinikilala ng ahensya ang naturang kautusan.

"There's no legal basis and I will stand for that...There's no legal basis for apprehending people (who) are outside in open, well-ventilated areas not wearing face masks. If they wish to continue wearing face masks, that is their choice," depensa ni Garcia nang kapanayamin sa telebisyon nitongHunyo 13.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

"I had long ago issued a statement do not apprehend these people, give them face masks. Let’s not make this punitive," giit ng babaeng gobernador.

Idinahilan din ni Garcia ang hindi pagsusuot ng face mask ni Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalo sa Independence Day ceremony sa Rizal Park nitong Linggo ng umaga. Kamakailan, isinapubliko ni Duterte na hinding-hindi niya babawiin ang ipinatutupad na face mask rule hanggang matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30.

"The President says one thing and does another thing. Sa 'kin lang let’s not be hypocrites here. Bakit pa magmamaang-maangan pa tayo.There are certain regulations that are unimplementable. Let'sputsome sense," sabi ni Garcia.

Ginamit pang dahilan ni Garcia ang nasa Section 5 ng resolusyong inilabas ngInter-Agency Task Force nitong Hunyo 4 na nagsasabing kinikilala nito ang awtonomiya ng mga local government unit.

"It's very clear 'provided further there is no objection from local government unit where these activities take place.This specifically recognizes the autonomy of localgovernment units units. This IATF task force must at all times consultwith localgovernment unit," pagbibigay-diin pa ni Garcia.

Matatandaangaminado ang Department of Health (DOH) na na hindi sila kinonsulta ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu sa naturang usapin.