Hindi pinalampas ni Kapamilya actress Janine Gutierrez ang pambabarag sa kaniya ng ilang bashers dahil umano sa pagbanggit niya sa isang presscon na nag-audition siya sa remake ng 'Encantadia', isa sa mga pumatok na fantasy series ng GMA Network, noong Kapuso pa siya.

Naibahagi ni Janine sa presscon ng pelikula nila ni Paulo Avelino na "Ngayon Kaya" na nag-audition siya para sa role ni 'Amihan' na eventually ay napunta kay Kylie Padilla.

Inamin naman ni Janine na sobrang lungkot niya nang hindi mapunta sa kaniya ang papel bilang Amihan, dahil tagahanga siya umano ni Iza Calzado, na siyang orihinal na gumanap sa una at orihinal na bersyon.

At sa pelikula nila ni Paulo, nagkataon namang 'Amihan' ang pangalan ng kaniyang karakter. Ito na raw ang katuparan ng pinangarap niyang maging Amihan.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizen ang tila pag-throwback daw ng aktres sa pagiging Kapuso.

"Haha move on kana ante. Sa ngalan ng brilyante ng tubig sana hindi mag-flop movie mo gaya no'ng MMMY (Marry Me Marry You) series mo Chareng! Labyu.”

"Kada may show ka o ganap laging dawit GMA sa presscon mo para umingay?"

"Mas okay nga si Kylie ang Amihan eh!"

Agad namang tumugon si Janine sa mga paratang na ito.

“No disrespect! I was asked about meant-to-be moments in my career and I just talked about how this character, named Amihan rin, was the one meant for me pala. Super agree na good thing si Kylie naging Amihan sa Enca, super bagay & galing niya, lalo na action pa. Deserve.”

Kung may mga nambash ay may mga nagtanggol din naman kay Janine. Mas maayos na raw ang showbiz career ngayon ni Janine kumpara noong nasa Kapuso Network na siya kaya sana raw ay hayaan na si Janine ng mga basher.

Isa pa, ito raw isang indikasyong marunong pa ring tumanaw sa kaniyang pinanggalingan si Janine.

Matatandaang noong 2021 ay nag-ober da bakod si Janine sa ABS-CBN at kaagad na naging host ng musical variety show na "ASAP Natin 'To".

Nagkaroon na rin siya ng teleseryeng "Marry Me Marry You" katambal si Paulo Avelino.

At magkakaroon naman sila ng GL series ng dati ring Kapuso na si Lovi Poe na Kapamilya na ngayon, na may titulong "Sleep With Me".