Isa sa mga naibunyag ni Kapamilya actress Andrea Brillantes sa panayam sa kaniya ng CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc. na si Glenda Victorio, sa segment ng kaniyang YouTube channel na "Who's In My Van" ay ang humble beginnings niya sa showbiz.

Ito palang si Andrea ay nag-audition noon sa unang remake ng "Marimar" ng GMA Network kung saan nagsimula ang bonggang-bonggang career nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Marimar (2007 TV series) - Wikipedia
Marian Rivera at Dingdong Dantes (Larawan mula sa Google Public Image

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasa tatlo o apat na taong gulang daw siya noon nang sumalang na sa audition. Naging biba naman siya sa pagsagot kung ano raw ang pangalan at paborito niyang kulay, subalit nablangko na raw siya nang pasampolan na ng acting.

“Noong sinabi na, ‘Okay, let’s start na’ hindi ko na alam ‘yung lines ko, nawala lahat. So, umuwi na lang kami ni Mama,” sey ni Andrea.

Dito ay nasabi raw ng kaniyang nanay na baka cute lang siya at hindi pang-artista. Ngunit hindi rito natapos ang pagsubok sa kapalaran ni Andrea dahil nag-audition naman sila sa Kapamilya Network.

Dito na siya natanggap at nasimulang makilala hanggang sa sumikat.

Matatandaang ang unang seryeng pinagbidahan ni Andrea ay "Annaliza" noong 2013 kung saan naging kontrabida niya rito si Kyline Alcantara, na ngayon ay bongga na ang career sa GMA Network.

Samantala, hndi basta-basta pakakawalan ng ni Glenda si Andrea bilang endorser niya, kahit na binabatbat ito ng mga intriga at pinapatanggal sa kaniya, dahil sa pagiging solid na tagasuporta ni outgoing Vice President Leni Robredo.

Nagsimula ang panawagang i-boycott ang beauty product ni Glenda nang okrayin umano ni Andrea ang mga tagasuporta at bumoto kina President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte.

"Kayang sobrang love na love ko ‘tong batang ‘to!"

"Halos parehas kami ng kinalakihan dahil mga grandparents din niya ang nagpalaki sa kaniya."

"Sa murang edad, sobrang strong nitong batang ito at doon ko siya mas lalong inadmire."

"Kapag mahal at gusto mo talaga ang ginagawa mo, kahit nakakapagod, hinding-hindi mo talaga susukuan," papuri pa ni Glenda kay Andrea.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/13/nanatili-siya-sa-tabi-ko-andrea-hindi-pakakawalan-ng-ceo-ng-beauty-product-kahit-maraming-isyu/">https://balita.net.ph/2022/06/13/nanatili-siya-sa-tabi-ko-andrea-hindi-pakakawalan-ng-ceo-ng-beauty-product-kahit-maraming-isyu/