Umani ng sari-saring reaksyon sa social media ang hindi pagsang-ayon ni Kelsey Merritt sa isang “Showtime Sexy Babe” contestant tungkol sa pagwawalwal o ang sobra-sobrang pagkalunod sa alak.

Sa isang It’s Showtime episode noong Biyernes, Hunyo 10, classy na tumutol ang kauna-unahang Pinay Victoria’s Secret model sa isang contestant sa nasabing segment ng noontime show.

“Hi, Sherlyn. Ang galing-galing mong mag-work ng camera, super ganda mo. Alam mo ‘yung may mga tao na napapangiti ka talaga kapag tinitignan mo sila ng walang dahilan. Kasi nakakahawa yung smile mo. Ganyan yung effect mo sa akin. You’re a sight for sore eyes. You’re so pretty,” saad ni Kelsey sa naturang contestant.

Sunod namang mahinahon pa rin nitong binara ang paniniwala ng contestant tungkol sa pagwawalwal o ang sobra-sobrang pag-inom sa mga party, selebrasyon o simpleng inuman.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

“Pero ‘di ako agree na kapag walwal is sexy,” komento ni Kelsey.

“Kasi di ba ‘pag kalat ka na parang chaka na,” dagdag ng international model.

Maririnig naman si Vice na sumasang-ayon sa hurado.

“I like it. I love it,” ani Meme.

Sunod na dinugtungan ni Kelsey ang kanyang opinyon tungkol sa pagwawalwal.

“I think it’s sexy when a girl how to handle her alcohol and knows her limits. You know, after having a night of fun, you can still leave the club composed. That’s I think is super sexy,” aniya.

Umani ng sari-saring reaksyon sa social media ang saad na ito ni Kelsey. Ang ilan, tila dinamdam ang nasabing komento ng modelo ngunit marami naman ang sumang-ayon kalaunan.

Isang TikTok video pa ng nasabing bahagi ng It’s Showtime episode ang mahigit dalawang milyong beses nang napanuod ng netizens.

Sa naturang video, ipinagtanggol ng netizens ang modelo at kumbinsidong may class nga ito sa kanyang naging reaksyon tungkol sa usapin.

“She knows kasi she always partying in US and I always watched her IG story. I swear ang classy niya pa rin kahit nag pa-party siya,” komento ng isang Tiktok user.

“Nawawalan na kasi nang ethics 'yung iba kapag sobrang lasing na,” segunda ng isa pang Tiktok user.

“That's true tho. Drink responsibly, magtira ng pang-uwi hindi yung super bangenge na hahahahhaha”

“Dami nagalit sa kanya sa ibang post kasi putol yung na-post, well it doesn't really matter. Mahirap lang talaga umintindi yung ayaw umintindi.”

“True, may iba akong nababasa na proud pa sila kung gaano sila ka wasted at kalat after walwal, di ko lang gets haha”

Umani na ng kasalukuyang mahigit 350,000 likes ang naturang Tiktok content.

Nakatakdang bumalik sa Amerika si Kelsey sa Hunyo 20. Nitong Sabado, Hunyo 11, huling araw na ng guest hurado sa It’s Showtime.