Kanselado ang ilang domestic flights dahil sa pagbuga na naman ng abo ng Bulusan Volcano sa Sorsogon nitong Linggo ng madaling araw.

Paliwanag ng Manila International Airport Authority (MIAA), delikado ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa tuluy-tuloy na pagbuga ng abo.

Ang hakbang ng MIAA ay alinsunod na rin sa panawagan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na huwag na munang magpalipad ng eroplano malapit sa palibot ng Bulusan Volcano dahil sa walang tigil na pag-aalburoto nito.

Kabilang sa mga nakansela ang flight ng Cebu Pacific (5J) 5J 325/326 Manila-Legazpi-Manila at 5J327/328 Manila-Legazpi-Manila; CebGo (DG) DG6111/6112 Manila-Naga-Manila at DG6117/6118 Manila-Naga-Manila; PAL Express (2P) 2P 2923/2924 Manila-Legazpi-Manila at 2P 2919/2920 Manila-Legazpi-Manila.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder