Iginiit ng pulisya na legal umano ang pag-aresto sa mga magsasaka at land reform advocates sa Barangay Tinang sa Concepcion, Tarlac nitong Hunyo 9.

Binanggit niConcepcion Municipal Police chief, Lt. Col. Reynold Macabitas,walang nangyaring pang-aabuso sa mga magsasaka nang isagawa ang pagdakip.

“Wala pong human rights abuse doon, actually kinausap natin sila ng matiwasay eh, ilang negotiations pa po 'yung ginawa natin, na kung maaariipatigilnila 'yung ginagawa nilang paninira sa tubuhan. Ilang beses po 'yun na sinubukan namin i-negotiate siguro dalawa hanggang tatlong beses," depensa ni Macabitas nang kapanayamin sa telebisyon.

"Pero despite of that ayaw nilang itigil, bagkus sumisigaw pa sila, 'yung mga leaders at estudyante, anong gagawin natin siyempre may sinisirang property may complainant tayo," pahayag ni Macabitas.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Gayunman, kinontra ito ng abogado ng mga magsasaka.“Itong mga pulis na ito ang daming mga ginawang pambubugbog nawalan ng ibang mga gamit, 'yung journalist na hinablutan ng cellphone hindi na niya nakuha, tapos 'yung mga journalist na dapat hindi naman kasama sa kaso, kasama silang kinasuhan 3 ngayon, 13 sila na nagko-cover lang," paliwanag naman ng abogado ng mga magsasaka na siAtty. Jobert Pahilga.

Sa nasabing bilang aniya, 83 na lamang ang nananatili sa kustodiya ng pulisya dahil hindi pa sila nakapagpiyansa para sa pansamantala nilang kalayaan.

Tiniyak pa ni Pahilga na magsasampa sila ng counter charges laban sa mga pulis at hinihintay na lamang nila ang pagpiyansa ng mga nasabing magsasaka.

Naiulat na naghahanda ang mga magsasaka na magsagawa ng "Bungkalan" o sama-samang pagtatanim sa bahagi ng sinasaka nilang Hacienda Tinang nang arestuhin sila ng mga pulis nitong Huwebes.

Matatandaang simula 1995, aabot na sa 236 na magsasakang pawang miyembro ng grupong MAKISAMA-Tinangang binigyan na ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mahigit sa 200 ektaryang sakahan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at pinagtibay naman ito ng Department of Agrarian Reform (DAR) noong 2018 at 2019.