Trending na naman ang singer-rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay, matapos kumalat ang ilang mga video clips sa naganap na concert niya.

Sa naganap na Aurora Music Festival 2022 sa Clark, Pampanga, kamakailan lamang ay nagulat ang audience ng palitan niya ang lyrics sa kantang "Zebbiana" na alay umano niya noon sa dating karelasyong si Zeinab Harake. Humirit kasi ang audience na sana raw ay kantahin niya ito.

“Sayang ‘di na ikaw ang baby ko, ang baby ko…”bahagi ng lyrics na binago ni Skusta Clee.

Hindi lamang iyan ang pinag-usapan dahil kumakalat din ang video clip ng pagsigaw ng "Boo!" ng audience sa kaniya at pagsigaw ng "Cheater! Cheater!"

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

https://twitter.com/FEARLESSBOBOHUN/status/1535305799005655046

Matatandaang noong Hunyo 9 ay kapwa naglabas ng kanilang littaro sa IG stories si Skusta at ang napababalitang bagong jowa nitong si Aira Mae Lipata ,sa kani-kanilang mga social media stories.

Makikita sa IG story ni Aira ang eksaktong litratong ibinahagi naman ni Daryl sa kaniyang sariling IG story. Makikitang tila nakaupo si Aira sa isang counter habang si Skusta Clee naman ay nakatanghod dito, at tila may tinitingnan sa ibang dako.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/09/skusta-clee-at-napababalitang-bagong-jowa-flinex-ang-isat-isa-sa-social-media/">https://balita.net.ph/2022/06/09/skusta-clee-at-napababalitang-bagong-jowa-flinex-ang-isat-isa-sa-social-media/

Matatandaang naging usap-usapan ang ginawang paninipa umano ng social media personality na si Zeinab Harake sa napababalitang bagong "apple of the eye" ng kaniyang partner at ama ng kaniyang anak.

Ayon sa ulat, nagpang-abot umano sina Zeinab at ang babaeng kinilalang si Aira Mae, sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City. Tinadyakan umano ni Zeinab si Aira at natumba kaagad ito. Plano raw kasuhan ng pamilya ni Aira si Zeinab ngunit hindi pa ito kumpirmado. Marami umanong nakakitang netizen sa selfie nito sa bahay ng mang-aawit.

Wala pang direktang pag-amin ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon, bagama't lantaran na ang pagpapakita ng kasweetan sa isa't isa.